
Muling ipinanawagan ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na palawakin ang Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth benefits sa mga mahihirap at gawing mas accessible ang medical services.
Binigyang-diin ni Go na masulit ang paggamit ng pondo para tugunan ang medikal na pangangailangan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap at gamitin ito ng naaayon sa batas.
Sinabi ng senador na ang pera ng PhilHealth ay dapat na gamitin sa kalusugan at hindi ito negosyo na pagkakakitaan.
Tiniyak ni Go, ang patuloy na pagtugon sa pagpapanagot at reporma sa PhilHealth sabay ng pangako na ipagpapatuloy ang pagbusisi at paghamon sa mga polisiya na humahadlang sa patas na access ng health care para sa lahat.
Dagdag pa ng mambabatas, mahalagang mayroong palaging may masasandalan ang mga nagkakasakit sa pamamagitan na rin ng PhilHealth.