PNP Chief Marbil, inutos ang mabilis na imbestigasyon sa pagpaslang kay Mayor Ruma

Personal na nagtungo si Philippine National Police o PNP Chief PGen Rommel Francisco Marbil sa Rizal, Cagayan kahapon para alamin ang kalagayan ng imbestigasyon sa pagpatay kay Mayor Joel Ruma.

Unang binisita ni Marbil ang burol ni Mayor Ruma sa Brgy. Gagabutan para makiramay sa pamilya at pagkatapos nito ay nagtungo ito sa crime scene.

Ayon kay Marbil, hindi titigil ang Pambansang Pulisya hangga’t hindi naigagawad ang hustisya.

Samantala, pinulong din ni Marbil ang Rizal police at ang Special Investigation Task Group (SITG) na siyang humahawak sa kaso.

Nasa kustodiya na rin ng binuong Special Investigation Task Group ang 4 na local police security ng alkalde para kuhanan ng pahayag at hinihintay na lamang ang resulta ng parrafin test at forensic ng kanilang service firearms.

Batay sa inisyal na ulat, binaril si Mayor Ruma ng sniper habang nasa gitna ng kanyang pangangampanya.

Facebook Comments