Wage increase sa Metro Manila, kulang pa rin daw

22

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng partidong Manggagawa ang 21 pisong dagdag sweldo ng mga kawani sa Metro Manila pero ayon kay Rene Magtubo, Chairperson ng grupo, kulang na kulang pa rin daw ito para makasabay sa sunod – sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Malayo pa aniya ang kakailanganin upang maging sapat ito.

Gayunpaman ayon kay Magtubo, magandang simulain na rin ito para matugunan ang kahilingan ng mga manggagawa.

Aniya, maging umpisa na sana ito para magkaroon ng pag-uusap at pagtutupak ng batas para maipatupad ng una nang ipinangako ng Pangulo na gagawing pambansa ang pagtatakda ng minimum wage kesa bawat rehiyon.

Facebook Comments