WALANG KINALAMAN? | Broadcaster na si Erwin Tulfo, iginiit na wala siyang kinalaman sa 60 million pesos ad placement ng DOT sa PTV-4

Manila, Philippines – Iginiit ng PTV-4 anchor at batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo na wala siyang kinalaman sa pagpasok ng 60 million pesos na halaga ng palatastas sa Bitag Media Unlimited Inc.

Ayon kay Erwin, hindi siya kasama sa negosasyon o pirmahan ng kontrata sa pagitan ng Department of Tourism (DOT), PTV-4, at Bitag Media na pagmamay-ari ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo.

Iginiit ng brodkaster na hindi siya kabilang sa may-ari, opisyal o producer ng Bitag Media.


Wala rin aniya siyang kinalaman sa operasyon nito.

Iginiit ni Tulfo, na isa lamang siyang talent o casual employees ng Bitag Media.

Sa kabila nito, handang harapin ni Erwin ang anumang imbestigasyon sa isyu.

Facebook Comments