WALANG KONEKSYON | Measles outbreak sa ilang bahagi ng bansa, hindi konektado sa Dengvaxia vaccine – DOH

33

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Department of Health (DOH) na
walang kinalaman sa kontrobersya sa Dengvaxia ang pagtaas ng kaso ng tigdas
sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy – maaaring noon pa
naitatala ang measles outbreaks at ngayon lamang lumitaw ang epekto nang
hindi pagpapabakuna.

Ipinapakita lamang aniya nito na makikita ang epekto sa kalaunan kapag
bigong magpabakuna dahil sa mga pangamba sa pagiging epektibo ng mga bakuna
sa mga sakit.

Tiniyak ni Lee Suy ang mga hakbangin ng DOH para magpakalat ng mga tamang
impormasyon hinggil sa bakuna kasabay ang apela sa mga magulang na makinig
sa kanila.

www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments