WANTED PERSON, ARESTADO SA LINGAYEN, PANGASINAN.

Arestado ang isang wanted person matapos ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company o 1st PMFC, katuwang ang Alaminos City Police Station, sa Barangay Naguelguel, Lingayen, Pangasinan, noong Nobyembre 1, 2026.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng OPLAN MANHUNT CHARLIE na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisang warrant of arrest kaugnay ng kasong Qualified Theft o apat na bilang ng pagnanakaw, alinsunod sa Republic Act 10951.

Nakatakda namang magpiyansa ang suspek sa halagang ₱160,000.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy naman ang kapulisan sa pagpapatupad ng mga operasyon laban sa mga wanted person upang matiyak ang pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments