Naghatid ng libreng gupit at serbisyong pangmasahe ang Urdaneta City Livelihood Skills Training Center sa mga dumalo sa isinagawang Job Fair and One-Stop Shop bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-18 anibersaryo ng isang mall.
Ginanap ang aktibidad noong Oktubre 30, 2026, sa ikatlong palapag ng Event Center ng isang mall sa Lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.
Sa pamamagitan ng naturang programa, nagbigay ng libreng haircut at back massage services ang mga kinatawan ng Urdaneta City Livelihood Skills Training Center para sa mga naghahanap ng trabaho at iba pang dumalo sa aktibidad.
Layunin ng kanilang pakikilahok na maibahagi ang kanilang mga kasanayan at makapaghatid ng karagdagang serbisyo at tulong sa komunidad.
Patuloy namang isinusulong ng Urdaneta City Livelihood Skills Training Center ang pagbibigay ng libreng pagsasanay at serbisyong pangkabuhayan upang mapaunlad ang kakayahan at oportunidad ng mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
###










