LALAKI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA SANTO TOMAS, LA UNION

Arestado ang isang 44-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Santo Tomas Municipal Police Station sabayan ng Santo Tomas, La Union, nitong Nobyembre 1, kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra-ilegal na droga sapaggunita ng Undas 2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng LUPIU at LUPDEU, at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 1.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang sachet na naglalaman ng tinatayang isang gramo ng hinihinalang shabu nanagkakahalaga ng ₱6,800. Nakumpiska rin ang buy-bust money at motorsiklo.

Samantala, isinailalim na sa wastong pagmamarka at imbentaryo ang mga na kumpiskang ebidensiya, habang inihahanda na ng pulisya ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Muling tiniyak ng Santo Tomas Municipal Police Station ang patuloy na pagpapaigting ng kampanya kontra-ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko sa gitna ng mga pagdiriwang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments