Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong pagnanakaw sa Barangay Bantog, Santa Maria, Pangasinan noong Agosto 4, 2026.
Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Tayug, Pangasinan, katuwang ang Santa Maria Police Station.
Ang inaresto ay isang 52-anyos na lalaking isang construction worker. Huli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong theft na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱20,000.
Patuloy naman ang kampanya ng pulisya sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang mahuli ang mga indibidwal na may nakabinbing kaso at mapanagot sa umiiral na batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











