Pinalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa sustainable lowland vegetable production sa isinagawang pagsasanay sa Barangay Managos, Bayambang, Pangasinan noong Setyembre 9 hanggang 11.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Managos Farmers Agricultural Cooperative upang higit na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga pamamaraan ng produktibo at mas ligtas na pagtatanim ng gulay.
Tinalakay sa pagsasanay ang wastong establishment, nutrient management, paggamit ng teknolohiya, at iba pang pamamaraan na makatutulong sa pagpapataas ng produksyon ng gulay.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pamamagitan ng partnership ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center I at Municipal Agriculture Office ng Bayambang.
Bahagi ang pagsasanay ng patuloy na pagsusulong ng sustainable at produktibong vegetable farming sa mga komunidad, partikular sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kakayahan ng mga magsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







