WANTED SA KASONG RAPE, ARESTADO SA CAGAYAN

20
Cauayan City, Isabela- Natimbog ang isang wanted person na may tatlong beses na kasong Panggagahasa sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Nakilala ang akusado na si alyas Gardo, 37 taong gulang, may asawa, grocery helper, at residente ng Barangay Linao West, Tuguegarao City, Cagayan.

Nadakip ang akusado ng magkatuwang na pwersa ng Baggao Police Station, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company at mga tauhan ng 204th MC, RMFB2 sa brgy. Hacienda Intal sa bayan ng Baggao.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng krimeng “Rape” at isang attempted rape laban sa akusado.

Nasa pangangalaga na ng Baggao Police Station si alyas Gardo para sa dokumentasyon bago i-turn over sa korteng pinagmulan.

Facebook Comments