Monday, November 2, 2026

MGA RESPONDER, MAHIGPIT ANG PAGBABANTAY SA MGA SEMENTERYO SA PANGASINAN

Mahigpit ang pagbabantay ng mga responder sa mga sementeryo sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan ngayong Undas bilang bahagi ng Oplan Kaluluwa 2026.

Sa Tayug Municipal Cemetery, naka-deploy ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Rural Health Unit (RHU), katuwang ang lokal na pamahalaan, mga barangay council, force multipliers at volunteers.

Nag-deploy rin ng mga force multiplier sa mga sementeryo sa San Nicolas para sa pagbabantay sa mga bisita.

Samantala, mahigpit na ipinapatupad ang ilang alituntunin sa Roman Catholic Cemetery sa Dagupan City.

Kabilang sa mga nagbantay ang Dagupan City Police Office (DCPO), Public Order and Safety Office (POSO), BFP at mga volunteer group.

Ipinagbabawal sa loob ng sementeryo ang pagdadala ng baril, kutsilyo at iba pang armas, paputok at hindi awtorisadong pyrotechnics, mga bagay na madaling magliyab, alak at ilegal na droga.

Bawal din ang pagsusugal, paglalasing, paggamit ng videoke at malakas na tugtugan, paninira sa mga puntod at pagpasok ng mga hindi awtorisadong sasakyan sa mga lugar na may restriksyon.

Patuloy naman ang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga sementeryo habang inaasahang magpapatuloy ang pagdagsa ng mga bisita ngayong Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments