UMATAKE | Apat na tao, dalawa sugatan sa pamamaril sa Tennessee, USA

Amerika – Patay ang apat na tao, habang dalawa pa ang sugatan sa pamamaril ng isang lalaki sa Nashville sa Tennessee, USA.

Base sa imbestigasyon, nakahubad na sumugod ang beinte nuebe anyos na si Travis Reinking sa restaurant na waffle house at saka walang habas na namaril.

Naagaw ng isa sa mga biktima kay Reinking ang kanyang baril bago siya tumakas.


Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang suspek.

Facebook Comments