Arestado ang isang 43-anyos na lalaki na itinuturing na Top 1 Municipal Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Mangatarem Municipal Police Station noong Miyerkules, Mayo 20, sa Brgy. Maravilla, Mangatarem.
Batay sa ulat ng pulisya, nadakip ang suspek bandang ala-1:30 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong paglabag sa Revised Penal Code at mga batas na nagpoprotekta sa mga menor de edad laban sa pang-aabuso at pananamantala.
Nakasaad sa warrant na walang inirekomendang piyansa para sa dalawang bilang ng qualified rape of a minor habang ₱240,000 naman ang itinakdang piyansa para sa dalawang bilang ng sexual assault.
Kaagad namang ipinaalam sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatan bilang akusado. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangatarem Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at turnover sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










