
Tinatalakay ngayon ng Quinta Committee o Murang Pagkain Super Committee ang mga rekomendasyon na bunga ng pitong pagdinig na isinagawa nito na layuning matugunan ang pagtaas at pagmanipula sa presyo ng pagkain lalo na ang bigas at smuggling ng mga agricultural product.
Ang mga rekomendasyon ng komite ay hinati sa mga sector ng rice industry, high value crops industry, livestock, poultry, and dairy industries at credit and finance.
Kasama sa mga rekomendasyon ng komite ang mga panukalang batas na makakatugon sa isyu tulad ng pagbalik sa mandato ng National Food Authority, pag-amyenda sa Anti-Sabotage Law at pag-obliga sa mga restaurant na magbigay ng kalating tasa ng kanin sa kanilang mga customer.
Kasama rin sa rekomendasyon ang pagbusisi sa mga polisiya, at pagresolba ng implementation gaps tulad ng pagpapabilis sa evaluation at approval ng bakuna konra African Swine Fever at agarang pagtatayo ng cold examination facility area.
Suhestyon din ng super committee ang pagpapaigting ng suporta sa mga magsasaka, istriktong pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at pagsasagawa ng higit pang pag-aaral o pananaliksik.
Mungkahi rin ng supercommittee ang pag-evaluate sa kasalukyang taripa na ipinapataw sa bigas.
Inaasahan naman na pag-uusapan ngayon ng Quinta Committee sa isang executive session ang mga impormasyong nakalap ng Anti Money Laundering council ukol sa top 20 na importers ng agri products tulad ng bigas.