
Nakatakdang itaas sa yellow alert status ang Visayas Grid mamayang hapon dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Ang yellow alert ay itinataas kapag mas mababa ang suplay ng kuryente kaysa sa karaniwan dahil sa pagnipis ng mga reserba.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang yellow alert ay magsisimula dakong alas-3:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi mamaya.
Ang dahilan ng yellow alert ay dahil sa force outage sa walong planta ngayong Agosto.
Noong Hulyo, isang planta ang pumalya, tatlo noong June, pito noong May, isa noong March, tatlo noong 2025, dalawa noong 2024, dalawa noong 2023 at isa noong 2021.
Ang 13 planta naman ay gumagana pero limitado lamang ang kapasidad.
Kasama pa sa mga dahilan ng yellow alert ang hindi gumaganang Visayas’ large coal plants na TVI 1 at TVI 2 at ang limitadong power import mula Mindanao dahil sa outages ng coal plants at mataas na system demand sa rehiyon.
Samantala, ang Luzon at Mindanao grids ay nasa normal namang kondisyon.










