Tuesday, August 18, 2026

Pondo para sa flood control projects, dapat ilaan sa pagpapatayo ng classrooms sa halip na ibalik sa 2027 national budget

Tinutulan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang pagkakaroon muli ng pondo para sa mga flood control projects sa ilalim ng 2027 national budget.

Sinabi ito ni Tinio makaraang ihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na may ₱107.4 bilyong alokasyon para sa flood control projects ang nakapaloob sa 2027 National Expenditure Program.

Giit ni Tinio, ang nasabing salapi ay mas mabuting gamitin sa pagpapatayo ng mga silid-aralan na higit na kailangan ng ating mga kabataan at guro dahil sa ngayon ay nasa 160,000 pa ang kulang na classrooms sa buong bansa.

Katwiran ni Tinio, walang anumang substantial na pagbabago sa proseso ng pag-identify o pagpondo ng flood control projects kaya hindi karapat-dapat na ito ay muling pondohan dahil baka magpatuloy lang ang mga anomalya.

Facebook Comments