Zero positivity sa apat na rail lines, naitala ng DOTr

Walang nagpositibo sa isinagawang random antigen testing sa apat na rail lines.

Batay sa tala ng Department of Transportation (DOTr), walang nagpositibo sa mga pasahero ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR na boluntaryong nagpa-antigen test.

Nasa 123 ang mga pasahero na sumalang sa random antigen test na pawang nagnegatibo sa COVID.


Isinagawa ito noong Enero-31 bilang bahagi ng pagsisikap ng DOTr na maiwasan ang hawahan sa COVID-19.

Maituturing na zero positivity sa random antigen testing sa mga nabanggit na rail lines.

Facebook Comments