PANGASINAN PNP, NAKAPAGTALA NG SIYAM NA KASO NG SHOOTING INCIDENT

LINGAYEN, PANGASINAN – Nakapagtala ng siyam na kaso ng shooting incident ang lalawigan ng Pangasinan ayon yan sa ahensya ng Pangasinan Police Provincial Office.
Sa isang press conference binanggit ni Pangasinan Police Provincial Director Richmond Tadina na lahat ng naitalang shooting incident ay walang kinalaman ukol sa nalalapit na halalan.

Ayon pa sa kanya, sa kanilang pagsisiyasat ang mga ito ay may kaugnayan sa droga, hindi nabayarang utang, at pagnanakaw.

Sa kabila nito, wala pa ring naidadagdag na panibagong bayan na kabilang sa areas of immediate concern sa lalawigan.

Samantala, hindi mapapabilang ang bayan ng Anda sa mga bayang kabilang sa areas of immediate concern, matatandaan na nakapagtala dito ng shooting incident kung saan binaril ng malapitan ang dating Mayor na si Aldrin Cerdan.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa COMELEC para sa mga paghahanda na kanilang isasagawa para sa papalapit na eleksyon. | ifmnews


Facebook Comments