
Cauayan City – Inaasahang magiging mas mabilis at epektibo ang pagtugon ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga sakuna at emergency matapos ilunsad ang bagong Command Center ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
β
βAyon kay Cheif Zenart Villamar ng Command Center nakakabit na sa ibaβt ibang bahagi ng lalawigan ang mahigit 100 CCTV cameras na may kakayahang mag-detect ng mukha at plaka ng sasakyan upang mapalakas ang monitoring at seguridad sa probinsiya.
β
βMay mga CCTV ring inilagay sa mga district hospital, tanggapan ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team, at ilang pangunahing tulay upang mabantayan ang sitwasyon lalo na kapag may pagbaha at iba pang kalamidad.
β
βBinabantayan din ng sistema ang mga checkpoint sa mga pangunahing entrada ng lalawigan.
β
βAyon sa Provincial Government of Cagayan, makatutulong ang bagong pasilidad sa mas maayos na koordinasyon ng mga ahensiya at agarang deployment ng responders sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.
β
βMatatagpuan ang Command Center sa bagong gusali ng PDRRMO sa Kapitolyo ng Cagayan.










