Wednesday, April 22, 2026

𝗕𝗟𝗢𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗘𝗙 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos na mahulihan ng marijuana sa ikinasang operasyon kahapon, ika-20 ng Abril sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Win”, 35 anyos, head chef, at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, at itinuturing bilang High Value Individual.

Sa ikinasang operasyon, nabentahan ng suspek ang poseur-buyer ng isang (1) brick ng pinaghihinalaang tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, na nakabalot sa transparent tape at cling wrap.

Maliban sa buy-bust item, nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang buy-bust money na binubuo ng isang tunay na ₱1,000 bill, at 24 na piraso ng pekeng ₱1,000.

Nakuha rin sa sa kanya ang karagdagang marijuana na nakalagay sa rolyong puting papel, isang improvised pipe na may residue, isang eco bag, isang sando bag, cellphone, at isang lighter.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments