Wednesday, July 1, 2026

𝗟𝗚𝗨 𝗥𝗔𝗠𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗣𝗢𝗦𝗔𝗟 𝗣𝗜𝗧 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗞𝗜𝗟𝗟

CAUAYAN CITY- Bilang tugon sa malawakang Fish kill nagpatayo ang lokal na pamahalaan Ramon, Isabela ng isang disposal pit sa pagitan ng Isla Verde at Purok 7 para sa maayos at ligtas na pagtatapon ng mga namatay na isda.

Ang pagtatayo ng disposal pit ay bahagi ng agarang hakbang ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng masangsang na amoy, mapigilan ang posibleng kontaminasyon sa kapaligiran, at mabawasan ang banta sa kalusugan ng mga residente.

Samantala, patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang ahensya upang mapabilis ang paglilinis sa mga apektadong lugar at mabigyan ng kaukulang suporta ang mga mangingisdang naapektuhan ng fish kill.

Muli ring pinaalalahanan ang publiko na huwag mangolekta, magbenta, o kumain ng mga namatay na isda dahil maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Hinihikayat din ang mga residente na makipagtulungan sa mga awtoridad sa tamang pagtatapon ng mga apektadong isda at agad na iulat ang anumang bagong insidente ng fish kill sa kanilang lugar.

Facebook Comments