
Cauayan City – Arestado ang isang 44-anyos na lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at iba’t ibang drug paraphernalia sa isinagawang search warrant operation sa Barangay Olango, Mallig, Isabela, kahapon, Hunyo 29.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Ed,” isang construction worker at residente ng nasabing barangay.
Nasamsam ang apat na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang timbang na 0.5 grams at nagkakahalaga ng P3,800, gayundin ang ilang drug paraphernalia tulad ng aluminum foil strips, improvised tooter na may likido, empty plastic sachet, at isang glass tube.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa himpilan ng Mallig Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










