Nasa 86 fish farmers mula sa mga bayan ng Bani, Bugallon, Lingayen, Mangaldan, at Labrador ang nakatanggap ng kabuuang 1.694 milyong whiteleg shrimp (Litopenaeus vannamei) post larvae mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources–Regional Fisheries Office 1 (BFAR-RFO 1) noong Hunyo 22 hanggang 26, 2026.
Alinsunod umano ito sa High-value Inland Pond Operation Network (HIPON) Program na target suportahan ang produksyon ng high-value aquaculture species sa mga inland fishpond sa Region 1.
Ayon sa BFAR-RFO 1, isinusulong ng programa ang paggamit ng shrimp post larvae at angkop na aquaculture practices para palakasin ang produksyon ng hipon sa mga naturang bayan.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) ng limang bayan upang mapadali ang pamamahagi at matiyak ang maayos na implementasyon ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








