Ito ang isa sa mga pangunahing hakbang na inihayag ni Mayor Pedro Merrera III sa isinagawang urgent meeting kasama ang mga kinatawan ng Binmaley PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Rural Health Unit (RHU), mga school principal mula sa pampubliko at pribadong paaralan, at Public Schools District Supervisors.
Bukod sa pagbibigay ng metal detector, ipinag-utos din ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan sa pamamagitan ng One-Gate Policy, paglalagay ng visitor logbooks, emergency hotlines at alarms, gayundin ang pagpapalakas ng police visibility at pagtalaga ng mga barangay tanod lalo na sa oras ng pasukan at uwian.
Samantala, pinalalakas din ng lokal na pamahalaan ang koordinasyon ng DepEd, PNP, BFP, MDRRMO, RHU at LGU, kabilang ang pagbuo ng School Security Teams at Parents-Teachers Coordination Teams upang mas maging mabilis ang pagtugon sa anumang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








