Sunday, May 31, 2026

𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟭𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗢𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬


Cauayan City – Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit ₱1M halaga ng umano’y pekeng at hindi rehistradong fertilizer sa isinagawang operasyon sa Barangay Sta. Isabel Norte, Ilagan City, Isabela.

‎Nakuha ang mga produkto matapos ang pag-iisyu at pagsisilbi ng search warrant sa isang establisimyento sa lugar.

‎Ayon sa mga awtoridad, natuklasan ang mga sako at container ng abono na walang kaukulang rehistro at sertipikasyon mula sa Fertilizer and Pesticides Authority (FPA).

‎Pinangangambahang maaaring makasira ang mga ito sa pananim, magpababa ng kalidad ng lupa, at magdulot ng panganib sa mga mamimili.

‎Samantala, isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng CIDG Isabela, Isabela Police Provincial Office, Ilagan City Police Station, Bureau of Fire Protection, at FPA Region 2.

‎Giit ng mga awtoridad, patuloy ang kampanya laban sa iligal na produktong pang-agrikultura na maaaring makapinsala sa sektor ng pagsasaka.

Facebook Comments