Thursday, April 30, 2026

π—£π—”π—‘π—¦π—”π— π—”π—‘π—§π—”π—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗙𝗔π—₯π—˜ π—œπ—‘π—–π—₯π—˜π—”π—¦π—˜ 𝗦𝗔 𝗧π—₯π—œπ—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜, π—œπ—‘π—”π—£π—₯𝗨𝗕𝗔𝗛𝗔𝗑 π—‘π—š π—§π—¨π—šπ—¨π—˜π—šπ—”π—₯𝗔𝗒 π—–π—œπ—§π—¬ π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿ

Cauayan City – Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Tuguegarao City ang panukalang pansamantalang pagtaas ng pamasahe sa mga pampasaherong tricycle nitong ika-28 ng Abril.

β€ŽAng hakbang ay kaugnay ng hirit ng Kapisanan ng Tricycle Operators and Drivers Association (KATODA) dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

β€ŽSa ilalim ng panukala, madaragdagan ng β‚±4.00 ang regular na pamasahe sa tricycle sa buong lungsod. Magkakaroon naman ng β‚±5.00 dagdag-pasahe para sa rutang Namabbalan Norte at Namabbalan Sur.

β€ŽAyon sa konseho, hindi pa agad ipatutupad ang bagong singil kahit ito ay aprubado na dahil kinakailangan pa itong pirmahan ng alkalde upang tuluyang maging epektibo.

β€ŽHanggang sa hindi pa ito nalalagdaan, mananatiling umiiral ang kasalukuyang pamasahe habang naghihintay ng pinal na desisyon ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments