Patuloy na isinasagawa ang implementasyon ng Expanded Centenarians Act Program sa Ilocos Region, kung saan umabot na sa 11,361 ang bilang ng mga senior citizen na nakatanggap ng cash gift sa unang quarter ng 2026.
Ayon sa National Commission of Senior Citizens-Region 1, , umabot sa ₱117.3 milyon ang kabuuang naipamahaging pondo bilang bahagi ng programang naglalayong kilalanin at bigyang-suporta ang mga nakatatandang Pilipino na kabilang sa mga kwalipikadong edad na 80, 85, 90, 95, at 100 taong gulang.
Sa naturang distribusyon, nasa 1,994 grantees mula sa Ilocos Sur; 1,584 mula sa Ilocos Norte; 6,258 sa Pangasinan; at 1,525 mula sa La Union ang tumanggap ng cash gift.
Naipatupad nang maayos ang pamamahagi sa tulong katuwang ang mga tanggapan para sa mga senior citizen, mga social welfare office, at iba pang partner na institusyon na tumutulong upang maging mabilis at organisado ang distribusyon ng benepisyo.
Hinihikayat naman ang mga senior citizen na kwalipikado ngunit hindi pa nakakapag-apply na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan upang makumpleto ang kinakailangang proseso at dokumento para sa naturang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










