₱210K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY BUST OPERATION SA DAGUPAN CITY

Nasamsam ang nasa humigit kumulang ₱210,800.00 na halaga ng shabu mula sa dalawang lalaking naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Dagupan City Police Office (DCPO) sa Barangay Bonuan Binloc, madaling araw ng June 11, 2026.


‎Kinilala ang mga suspek na isang 40 anyos at 27 anyos na lalaki, kapwa helper at residente ng Barangay Bonuan Boquig, Dagupan City.

‎Nasamsam mula sa mga ito ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 31 gramo gayundin ang marked at boodle money na ginamit sa operasyon.

‎Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng mahigpit na pagsunod sa Supreme Court guidelines, kabilang ang paggamit ng body-worn cameras at maayos na pagdodokumento ng ebidensya sa presensya ng mga suspek at mandatory witnesses.

‎Kasalukuyang nasa kustodiya ng DCPO Custodial Facility ang dalawang naaresto habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments