𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐀𝐈𝐆𝐍, 𝐀𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐄𝐑𝐌𝐈𝐍𝐀𝐋

31
Ilulunsad na ang PinasLakas Vaccination Drive ng Department of Health Region 2 sa mga terminal nitong Miyerkules, Setyembre 7, 2022.

Layunin nito na matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga mananakay, driver, at operator laban sa Covid-19 virus.

Maaring magtungo sa SM City Cauayan Terminal ang mga nais magpabakuna ng kanilang primary series o ng booster shot bukas.

Ito ay bukas sa mga bata na nasa edad 5 hanggang 11 na taong gulang; kabataan na nasa 12 to 17 years old; at edad 18-anyos pataas.

Kaisa ang tanggapan Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 2 sa mithiin ng pamahalaan na mapataas ang booster coverage sa bansa.

Ayon sa pinakahuling datos, mayroong kabuuang 188 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments