Pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang kampanya nito para sa kaligtasan ng mga mamimili sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kaalaman ng mga negosyante at stakeholder hinggil sa tamang pamantayan at regulasyon sa pagbebenta at paggamit ng mga paputok.
Sa isinagawang Fireworks Safety Seminar at Fireworks Display Operators’ Seminar noong June 9 sa Urdaneta City, binigyang-diin ng DTI Pangasinan ang kahalagahan ng pagbebenta lamang ng mga paputok na sertipikado at pasado sa itinakdang pamantayan ng gobyerno.
Dinaluhan ang seminar ng mga retailer, display operator, manufacturer, at iba pang stakeholder mula sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Tarlac, at Nueva Ecija.
Tinalakay ng Consumer Protection Division ng DTI Pangasinan ang mga produktong saklaw ng Mandatory Product Certification Scheme at ang kahalagahan ng pagsunod sa Philippine National Standards upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maisulong ang responsableng pagnenegosyo.
Isa sa mga pangunahing mensahe ng seminar ang kahalagahan ng Philippine Standard (PS) Mark sa mga produktong paputok. Ayon sa DTI, ang PS Mark ay patunay na ang isang produkto ay sumailalim at pumasa sa kinakailangang pagsusuri, inspeksyon, at ebalwasyon upang matiyak ang kalidad at kaligtasan nito.
Binigyang-babala rin ang mga kalahok laban sa pagbebenta at paggamit ng mga hindi sertipikadong paputok na maaaring magdulot ng panganib sa mga mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments