Tuesday, June 23, 2026

𝗔𝗘𝗥𝗜𝗔𝗟 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗦𝗜𝗧𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗘𝗥𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗗𝗥𝗘

Cauayan City – Nagsagawa ng aerial inspection at site visit ang House of Representatives sa pangunguna ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III Northern Sierra Madre Natural Park bilang bahagi ng pinaigting na hakbang para sa pangangalaga at napapanatiling pagpapaunlad ng bulubunduking Sierra Madre.

Sa isinagawang pag-iinspeksyon mula sa himpapawid, sinuri ng mga opisyal ang kalagayan ng mga protected forest, watershed system, biodiversity areas, at mga komunidad na nanganganib sa illegal logging, deforestation, at mga sakunang dulot ng climate change.

Kaugnay nito, isinusulong ni Speaker Dy ang House Bill No. 3538 na naglalayong mabuo ang Sierra Madre Conservation and Development Authority o SMCDA. Layunin ng panukala na pangunahan ang pangmatagalang proteksyon, rehabilitasyon, at wastong pamamahala sa kabuuan ng Sierra Madre mountain range.

Ang Sierra Madre, na umaabot ng mahigit 540 kilometro sa silangang bahagi ng Luzon, ay itinuturing na pangunahing panangga ng bansa laban sa malalakas na bagyo at tahanan ng malaking bahagi ng natitirang kagubatan sa Pilipinas.

Patuloy namang binibigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng pangangalaga rito para sa kalikasan at kaligtasan ng mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments