Thursday, May 7, 2026

π— π—”π—›π—œπ—šπ—œπ—§ π—£πŸ­π—  π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š π—£π—˜π—žπ—˜π—‘π—š 𝗔𝗕𝗒𝗑𝗒, 𝗑𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—šπ—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬


Cauayan City – Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit β‚±1M halaga ng umano’y pekeng at hindi rehistradong fertilizer sa isinagawang operasyon sa Barangay Sta. Isabel Norte, Ilagan City, Isabela.
β€Ž
β€ŽNakuha ang mga produkto matapos ang pag-iisyu at pagsisilbi ng search warrant sa isang establisimyento sa lugar.
β€Ž
β€ŽAyon sa mga awtoridad, natuklasan ang mga sako at container ng abono na walang kaukulang rehistro at sertipikasyon mula sa Fertilizer and Pesticides Authority (FPA).
β€Ž
β€ŽPinangangambahang maaaring makasira ang mga ito sa pananim, magpababa ng kalidad ng lupa, at magdulot ng panganib sa mga mamimili.
β€Ž
β€ŽSamantala, isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng CIDG Isabela, Isabela Police Provincial Office, Ilagan City Police Station, Bureau of Fire Protection, at FPA Region 2.
β€Ž
β€ŽGiit ng mga awtoridad, patuloy ang kampanya laban sa iligal na produktong pang-agrikultura na maaaring makapinsala sa sektor ng pagsasaka.

Facebook Comments