Friday, April 24, 2026

𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟵,𝟬𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗛𝗜, 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY- Nakatakdang mamahagi ang Department of Agriculture ng Seed Assistance sa Cauayan City, bilang paghahanda sa darating na wet season.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist ng Cauayan City,sinabi nitong may ipinagkaloob para sa mga rice farmers na 9,200 bags ng Hybrid Rice, Inbred Rice Seeds mula sa PhilRice na 2,000 bags at Quick Response Fund para sa mga magsasaka na naapektuhan ng bagyo noong nakaraang anihan.

Dagdag pa niya, nakahanda ng maipamahagi ang tulong mula sa mga kinuukulan upang matulungan ang mga rice farmer na mapataas ang kanilang ani sa gitna ng pabago-bagong klima at pagtaas ng gastusin sa produksyon.

Bukod pa rito, ay makakatanggap ang mga magsasaka ng palay ng ₱2,325 mula sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) para mga may sinasakang hindi bababa sa dalawang hektarya at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Sa pamamagitan ng ganitong programa ay inaasahan na mas magiging handa ang mga magsasaka sa pagtatanim ngayong wet season at makakatulong ito upang mapanatili ang sapat na suplay ng bigas sa merkado, pati na rin ang pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lungsod.

Facebook Comments