
CAUAYAN CITY- Tatlong indibidwal ang kusang loob na sumuko sa pulisya matapos madiskubreng may hawak silang umanoβy mga pekeng sigarilyo sa lungsod ng Cauayan noong gabi ng ika-4 Mayo.
Batay sa ulat, kinilala ang mga nagsurrender ng mga pekeng sigarilyo na sina alyas βDonβ 22-anyos at residente ng Brgy. Mabantad, Cauayan City;alyas βMariaβ 48-anyos, residente ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City at alyas βJaneβ 52-anyos na residente ng Brgy. Marabulig 1 sa lungsod ng Cauayan.
Personal na nagtungo ang mga ito sa himpilan ng pulisya at boluntaryong isinuko ang mga hinihinalang pekeng sigarilyo.
Sa tala ng pulisya, kabilang sa mga isinuko ang kabuuang 144 na pakete ng ibaβt ibang brand ng sigarilyo tulad ng Goldenleaf, RGD, at FS. Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng humigit-kumulang β±12,320.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nasabing ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko laban sa pagbebenta at pagbili ng mga pekeng produkto, lalo na kung ito ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan at paglabag sa batas.










