Sunday, April 19, 2026

𝟲𝟱 π—£π——π—Ÿ 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—”π—žπ—”π—£π—”π—šπ—£π—”π—₯π—˜π—›π—œπ—¦π—§π—₯𝗒 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—•π—’π—§π—’

CAUAYAN CITY– Isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC) Cauayan City ang isang Satellite Voter Registration para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Umabot sa 65 PDLs ang matagumpay na nakapagparehistro, bilang patunay na kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang bumoto at makibahagi sa demokratikong proseso.

Naisinakatuparan ang programa sa sa pakikipagtulungan ng Cauayan City District Jail (CCDJ) sa COMELEC Cauayan City kug saan naging maayos ang daloy ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng koordinasyon ng dalawang ahensya.

Ipinakita rin ng inisyatibong ito ang matibay na ugnayan ng CCDJ at COMELEC sa pagsusulong ng inklusibo at aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan, kabilang ang mga nasa loob ng kulungan.

Facebook Comments