Arestado ang isang 46 anyos na babae matapos umanong hablutin ang 18-karat gintong kuwintas na nagkakahalaga ng ₱100,000 mula sa isang 63 anyos na babae sa Infanta, Pangasinan noong Setyembre 26.
Nangyari ang insidente alas-12:15 ng tanghali habang isinasagawa ang Seafarers and Fishers Day program sa lugar.
Ayon sa pulisya, nakaupo umano ang suspek sa tabi ng biktima nang hablutin nito ang kuwintas at agad na tumakas.
Hinabol naman umano ng mga barangay official ang suspek hanggang sa ito ay maabutan at maaresto. Gayunman, itinapon umano nito ang kuwintas habang tumatakas.
Dinala ang suspek sa Infanta Municipal Police Station at nahaharap sa kasong Theft.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang itinapong gintong kuwintas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







