Isang siglo ng buhay—100 taon ng mga karanasan, alaala at kwentong naging bahagi ng paglalakbay ng isang tao.
Kabilang sa mga Pilipinong umabot sa ganitong yugto ng buhay si Valentina Ruiz, isang centenarian mula sa Barangay Baguinay, Manaoag, Pangasinan.
Bilang pagkilala sa mga Pilipinong umabot sa isang siglo ng buhay, tumanggap si Valentina ng ₱100,000 cash incentivemula sa National Commission of Senior Citizens o NCSC, kalakip ang pagkilala mula sa National Government.
Personal namang nagtungo kay Valentina si Mayor Jeremy Agerico B. Rosario upang iabot ang naturang cash incentive, kasama ang Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA at iba pang mga kinatawan.
Higit pa sa halagang natanggap, ang pagkilalang ito ay pagdiriwang sa isang buhay na puno ng karanasan at mga alaala—mga kuwentong maaaring magsilbing aral at inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
Para sa Pangasinan, isang malaking karangalan ang pagkakaroon ng mga centenarian tulad ni Valentina na nagsisilbing buhay na saksi sa paglipas ng panahon at sa mga pagpapahalagang naipapasa sa kanilang pamilya at komunidad.
Sa pag-abot niya sa isang siglo, hindi lamang edad ang ipinagdiriwang, kundi ang isang buhay na naging bahagi ng kuwento ng kanyang pamilya, komunidad at ng mas malawak na lipunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






