INOBASYON AT TEKNOLOHIYA PARA PATATAGIN ANG TURISMO, ISINUSULONG SA LA UNION

Itinampok ng La Union Tourism Summit ang papel ng teknolohiya, artificial intelligence at pakikilahok ng komunidad sa paghubog ng mas makabago, inklusibo at napapanatiling industriya ng turismo sa lalawigan.

Isinagawa ang summit noong Setyembre 25, 2026 sa pangunguna ng La Union Provincial Tourism Office (LUPTO).

Naglalayon itong tuklasin kung paano magagamit ang digital technology at artificial intelligence sa pagpapalakas ng turismo habang pinangangalagaan ang kultura, tradisyon, komunidad at likas na yaman ng La Union.

Binigyang-buhay rin ng mga lokal na performer, artist at iba pang talento ang programa sa pamamagitan ng kanilang mga pagtatanghal at likhang-sining na pinagsasama ang kultura at tradisyon ng La Union at mga digital platform.

Tinalakay rin sa naganap na session ni ang kahalagahan ng data-driven at people-centered na pamamaraan sa pagbuo ng mas matatag at inklusibong tourism systems.

Kabilang dito ang pagsusulong ng mga hakbang na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga komunidad, gayundin ang pangangalaga sa ecosystem at biodiversity ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments