Monday, August 10, 2026

GALE WARNING, ITINAAS NA SA PANGASINAN; MGA MANGINGISDA, PINAG-IINGAT

Itinaas na ang Gale Warning sa Pangasinan, partikular sa kanlurang baybayin, kasabay ng paalala sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot habang nananatiling maalon ang karagatan.

Batay sa weather advisory ng PAGASA, sakop ng babala ang mga baybaying lugar ng Bolinao, Bani, Agno, Burgos, Dasol at Infanta.

Inaasahang aabot sa 45 hanggang 63 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin at tinatayang nasa 9.19 hanggang 14.76 talampakan ang taas ng mga alon.

Dahil dito, nagbabala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga mangingisda at iba pang gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot upang maiwasan ang panganib sa dagat.

Bukod dito, pinag-iingat din ang mga malalaking sasakyang pandagat laban sa malalaking alon habang umiiral ang Gale Warning. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments