Patuloy ang anti-dengue misting operations ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang paaralan sa bayan bilang paghahanda sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral matapos ang matinding pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang araw.
Sa pangunguna ng Municipal Health Office (MHO) Sanitary Inspection Unit, sa ilalim ng pangangasiwa ni Sanitary Inspector VII Zita Lapore.
Layunin ng aktibidad na mabawasan ang presensya ng mga lamok na maaaring magdala ng dengue at iba pang sakit, partikular sa mga paaralang naapektuhan ng pagbaha.
Kabilang sa mga isinailalim sa misting operations ang mga paaralan sa Mangaldan Districts 1 at 2, pati na ang ilang pribadong institusyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







