Wednesday, July 15, 2026

₱20 BIGAS MULING DINAGSA SA DAGUPAN CITY; MGAKUWALIPIKADONG BENEPISYARYO, NAKIPILA SA CITY PLAZA 

Muling binuksan ang ₱20 Rice Project o Benteng Bigas Meron Na (BBM) sa City Plaza ng Dagupan City ngayong Hulyo 15, 2026, na dinagsa ng mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor.

Sinimulan ang pagbebenta ng murang bigas bandang 8:00 ng umaga at magpapatuloy hanggang maubos ang available na suplay.

Kabilang sa mga maaaring makinabang sa programa ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWD), solo parent, benepisyaryo ng 4Ps, magsasaka, mangingisda, at mga miyembro ng TODA na may kaukulang permit at lisensya sa pagmamaneho.

Bilang bahagi ng proseso, kinakailangang magpakita ang mga benepisyaryo ng valid ID para sa beripikasyon. Matapos makumpleto ang registration form at encoding, maaari nang kumuha ng claim stub, magbayad sa cashier, at tanggapin ang kanilang alokasyon sa releasing area.

Ayon sa mga organizer, mananatiling bukas ang ₱20 Rice Project sa City Plaza habang may natitirang suplay ng bigas para sa mga kwalipikadong residente ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments