Wednesday, July 15, 2026

BAGONG ANIM SILID-ARALAN SA ISANG ESKUWELAHAN SA BACAYAO NORTE, BINUKSAN NA SA DAGUPAN CITY

Binuksan ang bagong tatlong palapag na gusali na may anim na silid-aralan sa Pascuala G. Villamil Elementary School sa Barangay Bacayao Norte noong Hulyo 15, 2026.

Ang bagong pasilidad ay naglalayong tugunan ang pangangailangan ng paaralan sa karagdagang silid-aralan, lalo na’t naaantala ang klase tuwing may malalakas na ulan at pagbaha sa lugar.

Dumalo sa pagbubukas ang mga kinatawan ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan, Public School District Supervisor, pamunuan ng paaralan, Barangay Council, Sangguniang Kabataan, mga guro, magulang, at mga mag-aaral.

Inaasahang makatutulong ang bagong gusali sa pagpapalawak ng espasyo para sa pag-aaral at sa pagpapatuloy ng klase sa mas maayos na kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments