Ipinaalala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na may awtoridad ang mga Local Government Unit (LGU) na magdeklara ng localized suspension of classes depende sa kondisyon at sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan, alinsunod sa Executive Order No. 66, Series of 2012.
Ayon sa PDRRMO, ang pagpapasya ng bawat LGU sa pagsuspinde ng klase ay nakabatay sa pagsusuri sa kalagayan ng lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani ng paaralan.
Pinapayuhan naman ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan at manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo mula sa social media pages ng kani-kanilang LGU para sa anumang pagbabago o abiso kaugnay ng suspensyon ng klase. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








