Nasamsam ng mga pulis ang 44.7 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱303,960 at naaresto ang isang 42-anyos na lalaki sa bisa ng search warrant sa Tayug, Pangasinan, madaling-araw ng Oktubre 26.
Isinagawa ng mga tauhan ng Tayug Municipal Police Station ang operasyon mula alas-4:45 hanggang alas-7:35 ng umaga, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 1.
Ayon sa ulat, nakuha sa operasyon ang dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, gayundin ang dalawang plastic straw.
Dinala ang naarestong suspek, na isang farm manager at residente ng Tayug, sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











