Umabot sa ₱31.98 milyon ang kabuuang educational assistance na ipinamahagi sa 1,560 kwalipikadong iskolar sa Dagupan City.
Bawat scholar ay nakatanggap ng ₱20,500 na tulong pinansyal na maaaring magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.
Isinagawa ang payout sa ilalim ng Scholarship Program ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na nagbibigay ng pinansyal na suporta sa mga kwalipikadong estudyante ng lungsod.
Batay sa bilang ng mga benepisyaryo at halagang natanggap ng bawat isa, umabot sa ₱31,980,000 ang kabuuang pondong ipinamahagi.
Kasabay ng scholarship payout, inilapit din sa mga estudyante ang YAKAP Program, kung saan maaari silang magkaroon ng access sa kaukulang serbisyong pangkalusugan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng educational assistance na makatulong sa mga gastusin ng mga estudyante habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pag-aaral.
Patuloy naman ang pagpapatupad ng scholarship program para sa mga kwalipikadong estudyanteng Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












