Thursday, September 24, 2026

TATLONG METAL DETECTOR, IKINABIT SA MANGATAREM NATIONAL HIGH SCHOOL PARA PALAKASIN ANG SEGURIDAD

Tatlong bagong metal detector ang pormal na inilagay sa Mangatarem National High School bilang bahagi ng pagpapalakas ng security measures at pagpapanatili ng ligtas na learning environment sa paaralan.

Layunin ng pagkakabit ng tatlong metal detector na mapalakas ang seguridad sa loob ng school premises at makatulong sa pag-iwas sa pagpasok ng mga ipinagbabawal o mapanganib na bagay sa paaralan.

Inaasahang makatutulong ang mga kagamitang ito sa pagbibigay ng mas ligtas at mas secure na kapaligiran para sa mga mag-aaral, teaching at non-teaching personnel, at mga bisita.

Itinuturing ang hakbang bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, kapulisan, paaralan at iba pang stakeholders upang matiyak ang kaligtasan ng buong school community. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments