Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, sa panayam ng IFM Dagupan, dalawang malalaking religious event ang isinasagawa bawat taon kung saan inilalabas sa prusisyon ang orihinal na imahen ng Our Lady of Manaoag.
Dagdga niya, ang pagdiriwang ngayong Oktubre 4 ang ikalawang Rosary Feast ngayong taon na pangungunahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates “Soc” Villegas.
Magkakaroon din ng central command post para sa mga concern at pangangailangan ng mga bisita, habang naka-deploy naman ang K9 unit ng Pangasinan malapit sa evacuation center bilang dagdag na seguridad.
Samantala, ipatutuoad naman mula alas-5 ng umaga ang truck ban at magtatalaga ng mga tauhan ng PNP at Philippine Army sa mga boundary ng mga karatig-bayan upang tumulong sa pagkontrol ng daloy ng trapiko.
Hinihikayat naman ang mga deboto, motorista, vendors at iba pang bisita na makipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa ipatutupad na traffic at security measures para sa ligtas at maayos na pagdiriwang ng Rosary Feast of Our Lady of Manaoag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








