₱5,000 ayuda sa mga rice retailer sa Agora Market, ipinamahagi ng San Juan LGU

Naniniwala ang San Juan City government na malaking tulong ang ayudang ₱5,000 kanilang ibinigay sa mga rice retailer ng Agora Public Market sa San Juan City.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, inilabas na nila ang ₱5,000 financial assistance maliban pa sa tulong na ₱15,000 mula sa national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang ipinamahagi sa mga rice retailer na nagbebenta ng murang bigas sa Agora Public Market.

Paliwanag ng alkalde, maliban sa ₱5,000 ayuda ay pinagkalooban din nila ng libreng renta ng isang buwan ang rice retailers kung saan tinutupad lamang umano nila ang kanilang ipinapangakong suporta sa kanila noong ipinatupad pa ang price cap sa bigas.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lahat ng mga rice retailer sa tulong pinansyal ng San Juan LGU kung saan malaking tulong umano sa kanila ang naturang ayuda.

Facebook Comments