Police vlogger na nag-rant sa social media, maaaring maharap sa administratibong kaso

Iniimbestigahan na ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung may pananagutang administratibo ang isang police vlogger na nag-rant sa social media.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo kaugnay sa ginawa ni Police Staff Sgt. “Joylene” Cachin ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO na naglabas ng sama ng loob sa socmed patungkol sa umano’y re-assignment ng kanyang asawang pulis.

Paliwanag ni Fajardo, may mekanismo ang PNP kung saan maaring idulog ang mga hinanaing ng kanilang mga tauhan at kung hindi kuntento sa aksyon ng immediate superior ay maari naman itong iparating sa nakatataas.


Ayon kay Fajardo, “unfortunate” ang ginawa ni SSgt. Cachin lalo pa’t hindi niya lubos na naunawaan ang kautusan tungkol sa re-assignment ng mga tauhan ng RMFB sa mga distrito para sa eleksyon na rekomendasyon pa lang at hindi pa naipatutupad.

Facebook Comments